103.9 Yes Yes Show!
- Yourstruly ; Written for our Radio Presentation in
- Mar 31, 2015
- 4 min read
Jingle
Fade Out
OBB
Play all through out
Fade out Fade in
A1: Sa unang balita!
SFX (Breaking News)
A1: Low Pressure Area sa Pilipinas, naging bagyo na
SFX (Breaking News)
A1: Ganap na ngang naging bagyo ang binabantayang low pressure sa Pilpinas na tatawaging bagyong Inday. Ang bagyong Inday ay hindi maglalandfall at lalabas din ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes. Magdadala pa rin ito ng kalat kalat na pag – ulan sa Timog Kanluran at sa Metro Manila naman ay mababa ang tyansang umulan sa umaga ngunit kabaligtaran naman sa hapon hanggang gabi.
(PAUSE)
A2: Pope Francis kumpirmadong bibisita sa Pilipinas
SFX (Breaking News)
A2: Kinumpirma ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isang press conference sa Intramuros, Manila noong dalawampu’t siyam ng Hulyo na tuloy na nga ang pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa mula ika-labing lima hanggang ika-labing siyam ng Enero sa susunod na taon. Unang pupuntahan ng Santo Papa ang Sri Lanka mula ika-labing dalawa hanggang ika-labinglima ng Enero na parte pa rin ng kanyang Papal Visit na may temang “Mercy and Compassion”.
(PAUSE)
A2: Balitang Isports: Gilas Pilipinas, nakatanggap ng “welcome tweet” mula sa Miami Heat
SFX (Breaking News)
A2: Nakatanggap ng “welcome tweet” mula sa Miami Heat ng N-B-A ang Gilas Pilipinas noong nagdaang Martes base sa oras ng bansa. Nagpost daw ang Heat sa Twitter account ng isang welcome message para sa Gilas at sa coach nilang si Coach Chot Reyes na nagsasabing “Welcome to Miami, @coachot and @smartgilasph! We hope your training camp for the 2014 FIBA Basketball World Cup is going well!”
(PAUSE)
A1: Balitang Entertainment: Lyca Gairanod, wagi sa sikat na singing competition na The Voice Kids Phillipines
SFX (Breaking News)
A1: Itinanghal na kauna-unahang The Voice Kids Philippines Champion ang batang tinaguriang “The Little Superstar” na si Lyca na pambato ng Team Sarah. Inawit niya ang “Narito Ako” ni Regine Velasquez sa Power Ballad Round at “Call Me Maybe” naman ni Carley Rae Jepsen sa Upbeat round na siya namang ikinatuwa at ikinamangha ng mga tao maging nang mga coaches.
(PAUSE)
A3: Magandang araw! Ako nga pala si Madam Suzi Uy be Ching para maghatid ng horoscope ngayong araw. Swerte ang Virgo, Libra at Sagittarius. Darating naman ang matagal nang hinihintay na magandang balita ng Aries at Pisces. Kailangan naman ng dobleng ingat ng mga Capricorn, Leo at Gemini. Para naman saTaurus, Cancer, Scorpio at Aquarius ay pag – ibig ang pokus. Maaaring maganda o di mabuti. Lucky color of the day, blue at orange. Lucky numbers, 1, 4 at 3. Laging tatandaan na ito ay mga gabay lamang. Ang tunay mong kapalaran ay nasa iyong mga kamay.
(PAUSE)
PLAY BGM for horoscope all throughout
Fade out
Fade in
A1: At ‘yan ang mga balitang handog sainyo ng Dunkin’ Donuts, nahulog na, pinulot pa.
OBB
Play all through out
Fade out Fade in
SFX (Laugh)
A2: Modess “Sige sa mantsa!”
SFX (Laugh)
A3: At ng Angel’s Burger, sa unang kagat tinapay lahat.
SFX (Laugh)
A2: Magrelax muna tayo mga ka - radyo
Moderate BGM to soft
A2: Narito po ang awitin mula sa soundtrack ng The Fault in Our Stars, Boom Clap by Charli XCX!
Play music – Boom Clap (intro)
Fade Out
Jingle
Fade Out
PLAY BGM (Red Lights)
Fade In
Fade Out
DJ1: Magandang, magandang, magandang umaga mga ka-radyo! So kumusta naman kayo? Ikaw ba bes, maganda ba ang Sabado mo?
DJ2: Naku bes! Magandang pa sa’yo! Hahaha! Pabati muna tayo! Hi sa mga estudyante ng Adamson University! Hi kay Papa Jess at syempre sa ating mga ka-radyo na walang sawang nakikinig sa atin.
SFX (Laugh)
DJ1: Hello sainyo diyan mga ka-radyo! Ayan, oy bes trending ang ating kwentong pinost last week sa ating Facebook page, more than 400 likers. Woaw woaw
DJ2: Ansabe? Basta usapang pag-ibig aba ganado ang lahat!
DJ1: Tama ka diyan bes! Kagaya na lang ng pinaka nagtrending sa ating post. Isa siyang gay na umibig sa isang straight guy. Kakaiba raw itong si guy sa lahat.
DJ2: Ay bakit? Bampira lang?
SFX (Laugh)
DJ1: Hindi partner! Si guy lang daw kasi ang nagparamdam sa kanya na siya ay isang babae. Oh diba, anong say mo diyan bes? Hello? Hello Kevin? Hello? Hello Kevin? Kwento ka na Kevin?
SFX (Laugh)
Guest: (LAUGH) Ayun nga po, kinakamusta niya ko lagi, pag umuulan pinapayungan niya po ako, lagi niya akong nililbre, tapos siya ang nagbubukas ng pinto para sa akin. Mga simpleng bagay na hindi ko po naranasan sa iba. Kaya yun, na inlove na ako sa kanya. Sobra kasi siyang caring. Pero isang araw tumawag siya sa akin at sinabi niyang sinagot na siya ng girl na nililigawan niya. Nung araw na yun, parang bumagsak ang langit sa akin. Kaya naging man hater na ako after that.
DJ1: Aruuuuy! Pinaasa pala sa wala!
PLAY SOUND CLIP (CHORUS) (Manhid Ka Lang)
DJ2: Kaya nga sabi ko sa’yo bes! Pare-pareho lang talaga ang mga lalaki.
DJ1: Huwag naman nating i-stereotype lahat partner. May iilan pa rin naman diyan. Malay mo naman Kevin nasa tabi – tabi mo lang pala hindi ba?!
PLAY SOUND CLIP (CHORUS) (PAG – IBIG NA KAYA)
Guest: *TATAWA OR MAGREREACT NA PARANG NAHIHIYA*
DJ2: Malay lang naman natin diba? Maraming salamat Kevin!
Guest: Thank you rin po!
PLAY BGM (Happy)
Fade In
Fade Out
DJ1: Kaya bangon lang pag nadapa mga ka-radyo. Sabi nga ng Barangay Ginebra, Never Say Die! Oh diba bes!?
All throughout
DJ2: Naisegway mo pa talaga yan?! (LAUGH) Tama ka diyan bes kaya naman tumawa lang kahit nasasaktan na.
All throughout
DJ1: Huwag sumuko kahit hopeless na. Salamat po sa inyong pakikinig!
All throughout
DJ1&DJ2: Eto po ang tambalang
DJ2: Sam Palaya
DJ1: At Krista Lakera, na nagsasabing dito sa Yes Yes Show!
DJ2: Uso rin ang mag move on. At kung gusto niyong i-share ang inyong love stories, feel free to share it on our Facebook page: Yes Yes Show! Or tweet us on our twitter account: @yesyesshow_103.9
(SFX LAUGH)
DJ1: At magsama- sama pa rin po tayo next week, kung saan kayo ang number one!
DJ2: At ito ang kantang para sa’yo Kevin. Sang by Jason Chen. Bestfriends.
PLAY MUSIC (Best friends)
Fade In
Fade Out
PLAY JINGLE
Comments