top of page

Antipara

  • Yourstruly
  • Mar 28, 2015
  • 3 min read

Untitled.png

ESTABLISHING SHOTS:

FADE IN:

INT. KUSINA – UMAGA

Nagtatahi si Lola habang nakaupo at naglalaro ang bata sa harap niya. Maya maya’y malalaglag niya ang medida,

LOLA

Ay nako nalaglag ang medida!

Susubukang kunin ang medida sa sahig pero mahihirapang yumuko si Lola.

LOLA

Paki-abot nga ‘yung medida.

Hindi papansinin ng bata si Lola

LOLA

(Tatayo at papadyak ng malakas dahil sa inis)

Hindi mo ba ko naririnig? Ay! Nako ‘tong batang ‘to parang walang naririnig.

Hindi pa rin papansinin ng bata si Lola. Tatayo ang bata at lalabas ng bahay.

INT. SALA (MALAPIT SA PINTUAN) – UMAGA

Susundan ni Lola ang bata habang nagsasalita.

LOLA

Ay nako napakakulit talaga nitong batang ‘to. Halika nga rito!

Makakarating si Lola sa may bukas na pintuan papalabas ng bahay nila pero di na niya mahahabol ang bata.

LOLA

(pagod at hingal ng medyo)

Tinaguan na naman ako ng bata ‘to!

INT. KUSINA – GABI

Naghuhugas si Lola ng baso habang naglalaro ang bata ng bola at pagugulungin sa kanyan paanan.

LOLA

(Lilingunin ni Lola ang bata)

Batang ‘to naglaro na naman ng bola. Ligpit mo nga ‘yan!

Agad naming tatakbo ang bata palabas ng bahay.

INT. KUSINA – GABI

Naghahain na si Lola sa hapag kainan.. Nakaupo na yung bata pero nakayuko lang. Lalagyan ni lola ng pagkain ang plato ng bata saka siya uupo at kakain.

LOLA

Kain ka na.

Hindi gagalawin ng bata ang pagkaig nasa kanyang plato.

LOLA

Oh? Ba’t ayaw mo pang kumain?

Matatapos si Lola sa pagkain pero hindi pa rin kumakain ang bata.

LOLA

Kain ka na. ‘Hay nako, nagsasayang ka talaga ng pagkain.

Dadalhin na ni Lola ang mga pinagkainan sa lababo pero pagbalik wala na yung bata sa hapag kainan.

INT. KWARTO NG BATA – GABI

Inaayos ni Lola ang kama ng bata ngunit makulit at patalun - talon ang bata sa kama.

LOLA

Halika na! Wag ka na ngang malikot diyan. Matulog na tayo.

Hihiga na si Lola sa kama at matutulog.

INT. HAGDAN PAPUNTANG PINTO - DAY

Pababa si Lola nang makita niyang palabas ang bata ng bahay kaya naman susundan niya ito.

LOLA

Hoy! Halika nga ritong bata ka! Wag kang lumabas, pumasok ka rito!

Lilinga – linga si lola sa paligid

LOLA

Asan’ ka na bang bata ka?

May makakakita sa kanyang kapitbahay niya.

KAPITBAHAY 1 (EXTRA)

Hoy! Lola! Sino na naman ‘yang kausap mo?

LOLA

Anong sinong kausap ko?Umalis nga kayo rito! Alis! Alis!

KAPITBAHAY 1 (EXTRA)

Talaga ‘tong si Lola talaga kung anu-ano…

LOLA

(Pagtatabuyan ang dalawang kapitbahay na napadaan)

Alis!

EXT. LABAHAN – UMAGA

Nagbabanlaw na si lola ng kanyang nilabhan na kumot at isasampay rin agad. Sa samapayan, may iilan na ring mga damit doon na pambata.

Maya – maya, sa pangalawang pagsasampay sana ni Lola ay makikita niyang nalaglag na yung mga sampay na damit na pambata.

LOLA

(sisigaw)

Pasaway ka’ng bata ka!

Papasok si Lola sa loob ng bahay at makikita niyang paakyat ito ng hagdan.

LOLA

Tataguan mo na naman ako?

INT. KWARTO - UMAGA

Didiretso ang bata sa kwarto at bubuksan ang aoarador upang doon magtago.

Tatanggalin ni lola ang kanyang salami habang paakyat papuntang kwarto.

Bubuksan niya ang aparador ngunit makikita na lang niyang manika lamang ang naroon.

INT. KUSINA - UMAGA

Pababa si lola ng hagdan at makikita niyang may bakas ng mga tulo ng dugo.

Susundan niya ito hanggang kusina. Makikita niya ang bata na nakaupo atsaka siya uupo sa harap nito.

LOLA

Andyan ka lang pala. Diba sabi ko sa’yo wag kang lalabas ng bahay. Ang hilig mo kasing magtago. Iiwan mo na naman ba ako?

Tatanggalin yung antipara ni lola at pagkatanggal wala yung bata sa upuan. Sa halip ay manika lang ang naroon.


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Instagram Clean
  • YouTube Clean
  • RSS Clean

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page