top of page

Tragic Pag-ibig

  • Yourstruly : Script for our Midterm Heavy Category
  • Mar 28, 2015
  • 3 min read

Watch the Video: https://www.youtube.com/watch?v=R76QPdt4JNE&feature=youtu.be&hd=1

I.INTROVID:

1 simbolo ng pag-ibig like holding hands, titigan ng magjowa, hearts, balloons, singsong, bouquet o kahit roses mga ganun. Pwede ring isama yung unang video na may kamay tas bulaklak

2 mga pills o gamot, kutsilyo, lubid na nakahang

Introvid VO:

Walang kapangyarihan ang mas dadakila pa sa pag-ibig. Kaya nitong hamakin ang lahat masunod lamang ang ninanais. Mayroon pa ngang baliw kung kanilang tawagin ang pag-ibig. Ngunit kasabay ng paglipas ng panahon, tila yata nag-iiba na ang kahulugan nito. Pagpapakasakit na nga ba ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig?

Pag-ibig pa nga bang maituturing ang pagkakakulong sa mapait na mundo nito?

*insert videos (pang highlight lang) na may strong na sinasabi yung ininterview pati kahit reenactment like "Mahal na mahal ko kasi siya eh. Di ko kayang mawala siya." mga ganyan sana.

*insert after effects episode title : Tragic Pag-ibig

II. OBB

III. Title card = CommSpeak

IV. Intro spiels:

*NAMATAY YUNG BF DAHIL UMINOM NG SILVER CLEANER

Standupper:

Masarap sa pakiramdam ang mahalin at tanggapin ka ng taong mahal mo. Yung tipong walang kahit sino o anuman ang may kayang gumiba ng relasyon ninyo. Subalit, paano na lamang kung ang simpleng selos ay mauwi sa panghabambuhay ninyong pagkakakalayo sa isa't isa?

> sitners ng bading

VO ng sitners:

Si Yeng, hindi niya tunay na pangalan. Nainlove at nakipagrelasyon sa lalaking tumanggap sa kanyang kasarian. Hindi katulad sa mga fairy tales, ang kanilang pag-iibigan ng kanyang kasintahang itatago natin sa pangalang “Weng” ay hindi nauwi sa happy ending.

> SOT ng bading (kwento ng love story nila)

Reenactment (habang may SOT pasok ang reenactment paunti unti)

* nagkakilala kami… (audio lang ng SOT tapos pakita ng reenactment) * pinakilala na raw siya ng magulang… (appearance ng bading)

VO (with sitners)

Nang maging opisyal na silang magkasintahan, tinanggap din siya ng mga magulang nito. Hindi niya man naipakilala si Weng sa kanyang mga magulang ay madalang silang mag-away at talagang nag-uumapaw ang pagmamahal sa isa’t isa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, (insert SFX sana para cool lol then reenactment nung nag-away sila at nagbreak) ang matamis nilang pagtitingan ay tila nabaling sa iba.

>SOT ng bading

* naghiwalay kami…

Reenactment (habang may SOT pasok ang reenactment paunti unti)

* ng naging bagong gf ni Weng. Masaya sila, sweet.

* may nanligaw/nagkaroon ng ibang bf si Yeng kaso di siya seryoso

VO habang may reenactment

* Weng tinetext na ulit si Yeng para makipagbalikan sila

Makalipas ang ilang linggo, nakipaghiwalay si Yeng sa bago niyang nobyo at nagkabalikan sila ni Weng. Ngunit nang magkabalikan sila, (insert sfx para cool lol then partuloy yung reenactment) ang pagmamahalan nila ay nabalot ng selos at pagdududa.

>SOT ng bading *nalaman niya na nagkaroon ako ng ex...

*yung paraan ng pananakit ni Weng kay Yeng isama

Reenactment (habang may SOT)

* sinasaktan na ni Weng si Yeng

VO (sitners pa more)

Dala ng pagseselos at pagdududa ni Weng, naging mahigpit siya kay Yeng kung saan nawalan ito ng mga kaibigan sa social media sites gaya ng Facebook, pinagbawalang magtagal sa labas ng bahay at makipagkita sa kahit sinuman, maging sa bestfriend nito.

>SOT ng bading *Eh yung time na yun,birthday ng bestfriend ko… (matatapos sa pupunta pa rin ako sa bestfriend ko)

Reenactment (audio ng SOT: nang susunduin na niya ako…)

* may mga batang magsasabi na “wala diyan si Yeng, may kasamang ibang lalaki.”

>SOT ng bading

*inisip niyang kasama ko yung naging ex ko…

(insert SFX para cool woooo)

Reenactment (audio ng SOT: pag uwi ko sa bahay…)

*umiinom ng silver cleaner

VO (kailangan ng sitners pero di ko alam ano pa ang pwedeng ilagay)

Ayon kay Yeng, naisugod pa si Weng sa ospital at naconfine ng tatlong linggo bago tuluyang binawian ng buhay. Bawat araw para kay Yeng ay isang pasakit dahil sa sakit at hirap na nararamdaman niya matapos mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang lalaki.

>SOT ng bading

*sobrang hirap kasi nung nakita ko siya sa ospital…

VO (sitners pa ulit)

Hindi man nakaligtas sa kirot na dala ng pagkamatay ng minamahal, matapos ang mundong binalot ng selos at pagdududa nang dahil sa labis na pagmamahal, para kay Yeng, ang pag – ibig ay puno ng sakit kaysa kaligayahan.

>SOT

* narealize ko na ang pag ibig pala…


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Instagram Clean
  • YouTube Clean
  • RSS Clean

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page