top of page

Mamang Sorbetero, ano’ng bago? (SORBETES-PESYAL)

  • Yourstruly: Written for our Prelim Food Segment
  • Mar 28, 2015
  • 5 min read

Watch the video: https://www.youtube.com/watch?v=AJh-Nq9e2XM&hd=1

I.INTROVID:

1) simbolo ng kaPaskuhan like Christmas trees, lights, mga taong namimili ng pangnoche Buena at regalo

2) Mga pagkaing madalas inihahain tuwing Pasko pati na rin mga panghimagas kasama ang ice cream.

3) Mga ice cream na nakuha nating kakaiba

VO (for teaser of all ice cream – nagv-VO habang may lumalabas na videos):

*Limang tulog na lang ay Pasko na! Siguradong abala na naman ang lahat para sa pamimili ng masasarap na pagkaing ihahanda para sa Noche Buena. May spaghetti, pansit, hamon,manok at iba pa. Hindi rin mawawala sa ating mesa ang iba’t – ibang klase ng matatamis na pagkaing panghimagas o desert. Nariyan ang leche flan, salad, cake, at tiramisu. Para sa’ting mga Pinoy ay patok pa rin ang sorbetes o ice cream - may okasyon man o wala. Pero, umay ka na ba sa paulit - ulit na flavors nito? Huwag nang mag-alala pa dahil ang paborito ninyong ice cream, may panibagong twists.*

II. Title Card

COMMSPEAK

Mamang Sorbetero, ano’ng bago?

(SORBETES-PESYAL)

III. INTRO SPIELS

1) (HISTORY OF ICE CREAM) 200 BC, mga tao sa China na gumagawa ng dish of rice mixed with milk that was then frozen by being packaged in snow, Chinese people and first ice cream machine

2) Alexander the Great and snow flavored with honey

3) Emperor Nero Claudius Caesar of Rome

4) China to Italy, Marco Polo

5) Mga ice cream na simula nung 1851 hanggang ngayon

6) Mga ice cream flavors na madalas nakakain ng masa

VO (habang nag-aappear yung sa intro spiels):

Naimbento ang ice cream noong 200 BC ngunit walang eksaktong nabanggit kung sino ang tunay na nakaimbento nito. Ang mga Instik noon ay gumagawa ng kanin na hinaluan ng gatas at pinalalamig sa nyebe o snow. Maging si Alexander The Great ay mahilg sa pagkain ng snow na may honey. Si Emperor Nero Claudius Caesar of Rome ang nakaimbento ng tinatawag na “snow cone”.Mula naman sa China papuntang Italy, nakilala ang “sherbet” mula kay Marco Polo. Hindi nagtagal, nadagdagan nang nandagdagan ang iba’t - ibang klase ng ice cream hanggang sa maging sikat at paborito na ito ng maraming tao.

TRANSITION:

IV. INTRO SPIELS

1) Footage ng daan papuntang Nueva Ecija, CLSU

2) Shots ng arko na nagsisilbing pangalan ng lugar

VO (habang nag-aappear yung spiels)

Dito sa Region 3 sa Nueva Ecija kilala ang isang kakaibang flavor ng ice cream na eksklusibong matitikman lamang sa mismong kanilang lugar.

TRANSITION

V. STAND UPPER VID NI DAISY

VI. VIDEO SPIELS AND SITNERS

1) Around CLSU

2) Chives Café and Patisserie

VO (habang nag-aappear yung videos)

Isang hamon para sa mga estudyante at faculty members ng Hotel Restaurant Management ng CLSU ang ibinigay ng director ng Freshwater Aquaculture Center na makagawa o makaluto ng iba’t ibang putahe gamit ang laman ng tilapia.

TRANSITION (YUNG DI GAANONG OBVIOUS)

VII. VIDEOS NA KUHA SA CHIVES, INTERVIEW AT MOTS

VO (habang nag-aappear yung videos)

Ayon kay Ms. Selaira Castillo, instructor ng Department of Hospitality Management, naisip ng kanilang Department chairperson na Ms. Dana Vera Cruz na bakt hindi sila gumawa ng isang pagkaing hindi lang masarap kundi kakaiba rin!

VII. INTERVIEW (1:10 ATA BASTA YUNG MAY SINABING DURING OUR PHOTOSHOOT….)

*Transcribe na lang po natin ung mga sinabi dun. Then pasok na ung interview with ma’am Lyra. Kung hindi makakaprovide ng video ng *the making of tilapia ice cream, kunin na lang natin ung vinideohan nyong presentation dun. Isisingit po ung video na un sa question #3 or 4. Basta dun sa tanong ko na how tilapia ice cream is being made.*

VO (vid sa fishery)

Ang mga tilapiang ginagamit nila sa paggawa ng Tilapia Ice cream at ng iba pa nilang putahe ay nanggagaling mismo sa kanilang fishery.

Dito sa kanilang National Freshwater Fisheries Technology Center nagpaparami at nagpapalaki sila ng daan-daang tilapia. Hihintayin nila itong lumaki at kapag umabot na sa isang kilo ang bigat nito, pwedeng pwede na raw gawing fillet.

VIII. Video ni kuyang nagpapakain habang nagsasalita

IX. Video ng mga ingredients sana ng tilapia ice cream

VO (pakita ng ice cream sa magandang baso): Eto na ang ating Tilapia ice cream! One big scoop with chocolate ganash and cherry on top. Mmmm!

X. MOTS

XI. few vids ng parang balik tanaw sa buong episode ng tilapia icecream sabay ng VO

VO: Wow! Hindi na lang pala fruits ang flavor ng mga ice cream ngayon no? Pati isda pwede na. tilapia ice cream. One of a kind!

I.INTRO VID (habang nagVO)

1) Yung sign sa Davao papunta sa Sweetspot

VO: Mula naman sa Nueva Ecija, puntahan naman natin ang kakaibang flavor ng ice cream na sikat dito sa Davao.

II. VIDEO SPIELS

III.

VO: Gusto mo ba ng mala-exotic taste na ice cream? Dito sa Riverfront, Davao City matatagpuan ang Sweetspot Artisan Icecream na sikat sa paggawa at pagbebenta ng Crocodile at Ostrich Icecream.

IV. VIDEO SPIELS

VO: may video sanang mailagay habang nagvVO

Katulad ng Central Luzon State University, meron ding Crocodile park na ang Sweetspot na eksklusibong pinagkukunan ng mga crocodile meat at eggs na ginagamit para sa kanilang crocodile ice cream. Kadalasang itlog ang pangunahing sangkap nito pero kapag hindi pa season ng kanilang pangingitlog ay pwede rin naming gamitin ang karne ng buwaya.

V. MOTS

I.INTRO VID

1) Sitners sa Bar Dolci

2) Sitners ni Sir na ininterview

3) Wasabi icecream

VO: (habang nagpeplay yung intro vids)

Para naman sa mga mahihilig sa maaanghang, siguradong bagay sainyo ang White Chocolate Wasabi.

Dito sa ating bansa, marami nang sumisikat na icecream with foreign flavors. Isa na rito ang Bar Dolci sa Bluebay, Macapagal na isang gelato parlor o tindahan ng Italian ice cream.

Ang wasabi ay isang Japanese horseradish with an extremely strong taste and hotness na malapit sa chili. O diba? Maanghang!

II. VIDEO AND INTERVIEW SA BAR DOLCI

III. MOTS

IV. Vid ng ice cream na umiikot (may scoring maganda sana hahaha!)

I.INTROVID

1) Paradis sitners

VO:

Kung vegetarian at health conscious ka but you love ice cream, walang kaso ‘yan! Dito sa Paradis sa Tomas Morato, ice cream flavors are made hale and hearty!

II. VIDEO SPIELS/INTERVIEW

III. MOTS

I.INTRO VID

1) Establishing shot

VO: (kasabay ng intro vid)

Mula sa Paradis, puntahan naman natin ang isa pang sikat na ice cream store. Halos lahat ng products nila, signature flavors at unique! Here is Merry Moo and their Candied bacon and Strawberry Bastil ice cream.

II. VIDEO SPIEL/INTERVIEW

III. MOTS

CLOSING:

I.Videos all in all ng ice cream, may iilang MOTS

VO: Karamihan satin, okay na sa chocolate, vanilla at cheese flavor. Madali lang kasing hanapin dahil very common na mga flavors. Pero napakarami pang mas masasarap na ice cream, mas creamy, mas malinamnam, at mas katakam takam na hindi pa man natin nakikilala.

II. videos na related sa adventure natin

VO: Oh, hindi ka na mauubusan ng pagpipiliang ice cream na ihahanda ninyo para sa Noche Buena. Marami mang malalamig, matatamis at katakam takam na deserts ang best served when cold, wala pa ring tatalo sa ice cream. Hindi lang kasi ito in demand kung Holiday season subalit dahil tayo ay isang tropical country, bentang benta ito lalo na kung mainit.

Sana po ay nag-enoy kayo sa mga kakaibang flavors ng ice cream na matatagpuan na sa ating bansa. Ako po si Daisy Tercenio, magkita kita po tayong muli. Merry Christmas and Happy New Year!


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Instagram Clean
  • YouTube Clean
  • RSS Clean

© 2023 by DO IT YOURSELF. Proudly created with Wix.com

bottom of page